
Di naman talaga ako magpapapansin,
(Kung pinapansin mo lang sana ako)
Di naman talaga kita mamahalin,
(Kung di mo lang ako binibgyan ng rason upang ika'y ibigin)
Di naman talaga kita nanakawan ng tingin,
(Kung tumitingin ka lang din sana sa akin)
Di naman sana kita hahanap-hanapin,
(Kung di ka lang pumapasok sa aking isipan).
Di naman talaga ako excited sa pagapasok tuwing umaga,
(Kung hindi lang sana ikaw ang dahilan ng paggising ko)
Di naman ako nagseselos ah,
(Kung di ka lang sana linapita't kinausap ng lalaking 'yun)
Di naman ako takot na mawalay ka,
(Kung may pinanghahawakan lang sana ako)
Di naman ako pinagpapawisan sa aircon,
(Kung di lang sana kita kaharap sa buong lesson)
Di naman talaga kita mahal!
(Kung hindi ay mahal na mahal)